Artikulo ni Xi Jinping hinggil sa teoretikal at parktikal na isyu ng pag-unlad ng Tsina, inilathala

2022-05-16 15:22:41  CMG
Share with:

Inilathala ngayong araw, Lunes, Mayo 16, 2022, sa Qiushi Journal, isang flagship magazine ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) ang artikulo ni Pangulong Xi Jinping ng bansa hinggil sa mga teoretikal at parktikal na isyu ng pag-unlad ng Tsina.

 

Ipinaliliwanag ng artikulo ang pangangailangan sa tumpak na pag-unawa sa estratehikong target at pamamaraan ng pagsasakatuparan ng komong kasaganaan ng Tsina.

 

Anang artikulo, dapat palakasin ng bansa ang pagpapatupad ng job-first policy sa proseso ng de-kalidad na pag-unlad, at pataasin ang lakas-panulak sa paglago ng kabuhayan tungo sa pagpapasulong ng hanap-buhay.

 

Ipinagdiinan din nito ang pangangailangan sa tumpak na pag-unawa sa target ng carbon peak at carbon neutrality ng bansa.

 

Kailangang palakasin ng Tsina ang malinis at mabisang paggamit ng karbon, at dagdagan ang absorptive capacity ng bagong enerhiya, dagdag ng artikulo.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio