Pakistan dinakip ang suicide bomber na nagtangkang ilunsad ang atake sa mga Tsino

2022-05-17 16:28:48  CMG
Share with:

Ayon sa ulat ng ARY News, media ng Pakistan, dinakip nitong Mayo 16, 2022, ng pulis ng Pakistan ang isang babae na may planong magsagawa ng suicide bombing attack sa isang convoy ng sasakyan na lulan ang mga Tsino sa kahabaan ng China-Pakistan Economic Corridor. Napasakamay na rin ng mga pulis ang mga kagamitang pampasabog.

 

Ipinahayag ng departamentong kontra terorismo ng Pakistan na ang babaeng suspect ay miyembro ng Baloch Liberation Army (BLA), grupo na nasa likod din ng suicide attack sa Confucius Academy ng Karachi nitong Abril 26 na ikinamatay ng tatlong gurong Tsino at kanilang tsuper.

 

Sa kasalukuyan, ipinagpatuloy ang mga hakbang para patuloy na labanan ang terorismo ng Pakistan.

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac