Kaugnay ng paglagda kamakailan ni Pangulong Joe Biden ng Amerika ng bill na may kinalaman sa estratehiyang magsusulong ng observer status ng Taiwan sa World Health Organization (WHO), ipinahayag nitong Mayo 16, 2022, ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang naturang bill ng Amerika ay malubhang lumabag sa prinsipyong isang Tsina at tatlong Magkasanib na Komunike ng Tsina at Amerika, malubang lumabag sa pandaigdigang batas at pundamental na prinsipyo ng relasyong pandaigdig, at ito rin ay nakikialam sa suliraning panloob ng Tsina.
Mahigpit na kinondena at buong tatag na tinututulan ito ng Tsina.
Tinukoy ni Zhao, na ayon sa kinauukulang resolusyon ng United Nations General Assembly (UNGA) at World Health Assembly (WHA), ang paglahok ng Taiwan sa mga aktibidad ng WHO ay dapat umayon sa prinsipyong isang Tsina.
Lubos na pinahahalagahan ng Tsina ang kalusugan at kapakanan ng mga kababayan sa Taiwan, at maayos na hinahawakan din ng Tsina ang paglahok ng Taiwan sa pandaigdigang suliraning pangkalusugan, ayon sa paunang kondisyon ng pagsunod sa prinsipyong isang Tsina.
Salin:Sarah
Pulido:Mac