Hapon, muling hinimok ng Tsina na kanselahin ang pagtatapon ng radioactive wastewater sa dagat

2022-05-18 15:57:30  CMG
Share with:

Sinimulan kamakailan ng Tokyo Electic Power Company (TEPCO) ang preparasyon sa pagtatayo ng tubo para sa pagtatapon ng radioactive wastewater sa dagat.

 

Kaugnay nito, muling hinimok Mayo 17, 2022 ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina ang Hapon na pahalagahan ang makatuwirang pagkabahala ng komunidad ng daigdig at mga mamamayang Hapones, kanselahin ang maling kapasiyahan sa pagtatapon ng radioactive wastewater ng Fukushima Nuclear Power Plant sa dagat, itigil ang iba’t ibang kinauukulang paghahanda, at aktuwal na isakatuparan ang obligasyong pandaigdig.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio