Ang 小满(Xiao Man)o Lesser Fullness ay ika-8 sa 24 na solar term ng Tradisyonal na Kalendaryong Tsino o Nong Li.
Ito rin ang ikalawang solar term sa Tag-init.
Sa taong 2022, natatapat ang Xiao Man sa Mayo 21, at tatagal hanggang Hunyo 5.
Mula noong sinaunang panahon hanggang sa kasalukuyan, ang mga solar term ay mahalaga para sa mga magsasakang Tsino bilang gabay sa kanilang pagsasagawa ng iba’t ibang aktibidad na agrikultural.
May kasabihang Tsino na “Tuwing Xiao Man, nagsisimula nang tumakbo ang tatlong gulong.”
Ang unang “gulong” ay tumutukoy sa gulong ng tubig o water wheel, kasangkapang patubig na ginagamit ng mga magsasakang Tsino sa loob ng libu-libong taon.
Sa Xiao Man, hinog na ang halamang rapeseed at panahon na para patakbuhin ang “gulong na pangpiga” o oil press para makuha ang langis.
Sa isang gilingan ng langis sa lunsod ng Qianxi, lalawigang Guizhou, ang mga manggagawa ay nagpoproseso ng rapeseed oil sa pamamagitan ng tradisyonal na pamamaraan.
Ang ikatlong gulong ay tumutukoy sa habihan. Ang Xiao Man ay panahon din para sa pag-ikid ng sinulid na sutla mula sa mga kukun.
Sinaunang lalahan ng sinulid na sutla mula sa mga kukun
Ang mga taga-nayon ng Xinlu, Munisipalidad ng Chongqing na nag-aani ng kukun
Ang seda mula sa Suzhou No.1 Silk Factory. Kilala ang sutla mula sa Suzhou, lunsod ng Jiangsu.
Alinsunod sa animismo, sa panahon ng Xiao Man, nagbibigay-galang din ang mga Tsino sa “Diyos ng Gulong ng Tubig” at “Diyosa ng Uod-Sutla” bilang pagpupugay at pasasalamat sa mga biyayang kanilang hatid.
Salin: Jade
Pulido: Mac