Chinese TV series na “A Lifelong Journey,” nakaakit ng mahigit 400 manonood

2022-04-26 15:48:09  CMG
Share with:

Ang TV series “A Lifelong Journey” na isinahimpapawid ng China Media Group (CMG) noong unang kuwarter ng taong ito ay nakaakit ng mahigit 400 milyong manonood na Tsino.

 


Ang nasabing TV series ay hango mula sa nobelang may katulad na pamagat.  Ikinukuwento nito ang halos kalahating siglong karanasan ng tatlong henerasyon ng isang karaniwang pamilya sa Hilagang Silangan ng Tsina.

 


Ang kuwento ng naturang pamilya ay isang sulyap sa pagbabagong pulitikal, ekonomiko at kultural ng Tsina nitong nagdaang halos 5 dekada. Nagpapakita rin ito ng diwa at paninindigan ng mga Tsino.

 


Hawak na ng Walt Disney Company ang karapatan sa pagpapalabas ng nasabing TV series sa ibayong dagat, at isasahimpapawid ito sa labas ng Tsina sa malapit na hinaharap.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Mac