Paninindigan ng Tsina sa isyu ng Taiwan, inulit ng tagapagsalitang Tsino

2022-05-22 13:22:38  CRI
Share with:

Inulit kamakailan ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina na malawakng sinusuportahan ng komunidad ng daigdig ang Tsina sAsemblea ng World Health Organization (WHO) hinggil sa isyu ng Taiwan.

 

Sinabi ni Wang na iisa lang ang Tsina sa daigdig, at ang pamahalaan ng Republika ng Bayan ng Tsina ay ang tanging lehitimong pamahalaang kumakatawan ng buong Tsina, at ang Taiwan ay isang di-maihihiwalay na  teritoryo ng Tsina.

 

Dagdag niya, ang paglahok ng Taiwan sa aktibidad ng mga organisasyong pandaigdig na tulad ng WHO, ay dapat sumunod sa prinsipyong Isang Tsina, na malinaw na nakatakda sa Resolusyon Bilang 2758 ng Pangkalahatang Asmeblea ng United Nations (UN) at Resolusyon Bilang 25.1 ng Asemblea ng WHO.


Sa kabilang dako, sinabi rin ni Wang na lubos na pinahahalagahan ng pamahalaang sentral ng Tsina ang kapakanang pangkalusugan ng mga kababayang Taiwanes.

 

Sa paunang kondisyon ng prinsipyong Isang Tsina, isinagawa ang maayos na hakbangin tungkol sa paglahok ng Taiwan sa mga pandaigdigang suliraning pangkalusugan, saad niya.

 

Ani Wang, makaraang sumiklab ang pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), ipinaalam ng pamahalaang sentral ng Tsina ang halos 400 beses na kalagayan ng pandemiya sa Taiwan.

 

Noong isang taon, inaprobahan nito ang paglahok ng 47 ekspertong pangkalusugan ng Taiwan sa mga aktibidad ng WHO, aniya pa.

 

Ipinahayag din niya na upang maipagtanggol ang soberanya at kabuuan ng teritoryo ng bansa, at maipagtanggol ang kapangyarihan ng kaukulang resolusyon ng Asemblea ng UN at WHO, hindi sinang-ayunan ng panig Tsino ang paglahok ng Taiwan sa Asemblea ng WHO sa kasalukuyang taon.

 

Ito ay malawakan naman aniyang sinusuportahan at nauunawaan ng komunidad ng daigdig.

 

Bukod pa riyan, sa pamamagitan ng iba't-ibang porma, ipinahayag ng halos 90 bansa ang kanilang posisyong naggigiit sa prinsipyong Isang Tsina at tumututol sa paglahok ng Taiwan sa Asemblea ng WHO, saad ni Wang.

 

Ito ay muling nagpapakita ng makatarungang posisyon ng nakakaraming bansa sa isyu ng Taiwan sa Asemblea ng WHO.


Salin: Lito

Pulido: Rhio