Komprehensibong kooperasyon, isusulong ng Tsina at Pakistan

2022-05-23 16:20:54  CMG
Share with:

Sa kanyang pakikipagtagpo Mayo 22, 2022, sa Guangzhou, lunsod sa dakong timog ng Tsina kay dumadalaw na Ministrong Panlabas Bilawal Bhutto-Zardari ng Pakistan, ipinahayag ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na tulad ng dati, matatag ang suporta ng Tsina sa Pakistan kaugnay ng pangangalaga sa soberanya, pagsasarili at kabuuan ng teritoryo ng bansa, at pagtahak sa landas na angkop sa sariling pag-unlad.

 

Sa paghigpit ng situwasyon laban sa terorismo, dapat aniyang palakasin ng Tsina at Pakistan ang kooperasyon para maiwasan ang muling pagkaganap ng pananalakay sa mga tauhan, organo at proyekto ng Tsina sa bansa.

 

Para rito, patuloy na ipagkakaloob ng Tsina ang tulong sa Pakistan sa paglaban sa terorismo, diin ni Wang.

 

Samantala, ipinahayag ni Bilawal Bhutto-Zardari na ang Tsina ang unang bansang kanyang dinalaw matapos manungkulan bilang ministrong panlabas

 

Ang pagkakaibigan ng Tsina at Pakistan ay pundasyon ng ugnayang panlabas ng Pakistan, diin niya.

 

Buong tatag aniyang nananangan ang Pakistan sa patakarang Isang Tsina, at sinusuportahan ang pangangalaga ng Tsina sa lahat ng sariling nukleong kapakanan.

 

Bukod dito, buong pagkakaisang sinang-ayunan ng dalawang bansa na palalimin ang komprehensibong aktuwal na kooperasyon, pasulungin ang konstruksyon ng China-Pakistan Economic Corridor, at palakasin ang multilateral na kooperasyon.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio