Wang Yi: "Indo-Pacific Strategy" ng Amerika, tiyak na mabibigo

2022-05-23 13:12:52  CMG
Share with:

Sa preskon pagkatapos ng kanyang pakikipagtagpo kay Bilawal Bhutto Zardari, dumadalaw na Ministrong Panlabas ng Pakistan sa Guangzhou Linggo, Mayo 22, 2022, inihayag ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na tiyak na mabibigo ang umano’y "Indo-Pacific Strategy" ng Amerika.

 


Saad ni Wang, sa katuwiran ng kalayaan at pagbubukas, inilunsad ng Amerika ang "Indo-Pacific Strategy" upang buuin ang small cliques, at layon nitong pigilin ang Tsina.

 

Ang mas mapanganib ay ang pagdiskarte ng panig Amerikano sa “Taiwan card,” “South China Sea card,” at pagtatangka nitong lumikha ng kaguluhan sa rehiyong Asya-Pasipiko, dagdag niya.

 

Tinukoy ni Wang na ang estratehiyang ito ay nakakatawag ng parami nang paraming babala at pagkabahala mula sa komunidad ng daigdig, lalong lalo na, ng mga bansa sa Asya-Pasipiko.

 

Diin ni Wang, esensya ng naturang estratehiya na lumikha ng pagkakawatak-watak, pag-udyok ng komprontasyon, at pagsira sa kapayapaan.

 

Aniya, hinding-hindi pahihintulutan ng mga mamamayan ng rehiyon ang panig Amerikano na gumawa ng kaguluhan at digmaan.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio