Prinsipyong Isang Tsina, komong palagay ng komunidad ng daigdig

2022-05-24 16:30:15  CMG
Share with:

Kaugnay ng maliwanag na di pagpayag ng Ika-75 World Health Assembly (WHA) sa paglahok ng Taiwan sa WHA bilang tagamasid,ipinahayag kahapon, Mayo 23, 2022, ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na itoy lubos na nagpakita na ang prinsipyong Isang Tsina ay komong palagay at tunguhin ng komunidad ng daigdig.

 


Lubos na pinahahalagahan ng sentral na pamahalaang Tsino ang kalusugan ng mga kababayang Taiwanes. Batay sa patakarang Isang Tsina, maayos na hinahawakan din ang paglahok ng Taiwan sa suliraning pangkalusugan ng buong daigdig, diin ni Wang.

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac