CMG Komentaryo: Mga sumusuporta sa paglahok ng Taiwan sa WHO, mapapahiya lang

2022-05-24 11:26:11  CMG
Share with:

NItong Lunes, Mayo 23 (Beijing time), 2022, ipinasiya ng Ika-75 World Health Assembly (WHA) na tanggihan ang paglakip sa agenda ng asemblea ng mosyong iniharap ng iilang bansang hinggil sa “pag-imbita sa Taiwan bilang tagamasid sa WHA .”

 

Ito ang muling pagtanggi ng WHA sa ganitong mosyon nitong 6 na taong singkad, bagay na lubos na nagpapahiwatig ng komong palagay ng komunidad ng daigdig sa prinsipyong Isang Tsina.

 

Ang panglilinlang na pulitikal ng Amerika at Taiwan ay buong pagkakaisang tinututulan ng mga bansa sa daigdig na naggigiit ng makatarungang posisyon.

 

Matatandaang mula noong 2009 hanggang 2016, sa ilalim ng ngalang “Chinese Taipei” at katayuang tagamasid, minsa’y lumahok ang Taiwan sa WHA.

 

Sa pundasyon ng kapwang paggigiit ng “1992 Consensus” na nagpapakita ng prinsipyong Isang Tsina, ito ang espesyal na pagsasa-ayos makaraang magsanggunian ang magkabilang pampang ng Taiwan Straits.

 

Ngunit sapul nang umakyat sa poder ang Democratic Progressive Party ng Taiwan noong 2016, tinatanggihan nito ang pagkilala sa “1992 Consensus” at buong tigas na itinutulak ang umano’y “pagsasarili ng Taiwan.”

 

Kaya, hindi pa umiiral ang pundasyong pulitikal sa paglahok ng Taiwan sa WHA.

 

Hinding hindi pahihintulutan ang paghamon sa prinsipyong Isang Tsina, at walang anumang kuwenta ang pagsasapulitika ng isyung pangkalusugan.


Salin: Lito

Pulido: Mac