MFA ng Tsina: APEC dapat magpokus lamang sa kabuhayan at kalakalan

2022-05-24 14:44:01  CMG
Share with:

Kaugnay ng di pagkakaroon ng magkasanib na pahayag matapos ang  Pulong ng mga Ministrong Responsable sa Kalakalan ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC), ipinahayag nitong Lunes, Mayo 23, 2022 ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang APEC ay mahalagang mekanismo ng kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan sa rehiyong Asya-Pasipiko, dapat igalang ng iba’t ibang panig ang prinsipyo at tungkulin ng APEC para magtuon lamang sa isyu ng kabuhayan at kalakalan sa halip ng mga isyu ng geopolitics.


Mula Mayo 21 hanggang 22, idinaos ang Pulong ng mga Ministrong Responsible sa Kalakalan ng APEC sa Bangkok, Thailand.


Salin:Ernest

Pulido: Mac