Ginanap mula Mayo 21 hanggang 22, 2022 ang Ika-28 Pulong ng mga Ministro ng Kalakalan ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC).
Sa kanyang pagdalo sa pulong sa pamamagitan ng video link, inihayag ni Wang Wentao, Ministro ng Komersyo ng Tsina, na buong tatag na nagpupunyagi ang kanyang bansa, para isakatuparan ang komprehensibong Asia-Pacific free trade area sa mataas na antas.
Tinukoy niyang dapat gawing pangunahing misyon ng iba’t ibang kasapi ng APEC ang pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng Asya-Pasipiko, at komprehensibong pagpapasulong sa pragmatikong kooperasyon sa iba’t ibang larangan ng kalakalan at pamumuhunan.
Aniya, dapat patingkarin ang papel ng mga free trade agreement bilang pangunahing tsanel ng pagpapasulong sa integrasyon ng kabuhayang panrehiyon, at buong sikap na pasulungin ang inklusibong pag-unlad na panrehiyon.
Dagdag niya, de-kalidad na ipinapatupad ng Tsina ang Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) agreement, aktibong itinatatag, kasama ng mga kasapi ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ang Version 3.0 China-ASEAN Free Trade Area, tuluy-tuloy na pinapasulong ang pagsapi sa Comprehensive and Progressive Agreement for Trans-Pacific Partnership (CPTPP) at Digital Economy Partnership Agreement (DEPA), at ipinagkakaloob ang lakas-panulak para sa matatag na paglago ng kabuhayang panrehiyon at pandaigdig.
Magiging mas bukas ang pinto ng Tsina, dagdag pa ni Wang.
Ipinagdiinan niyang buong tatag na kinakatigan ng Tsina ang sistema ng multilateral na kalakalan, kung saan ang nukleo ay World Trade Organization, at pinangangalagaan ang kaligtasan at katatagan ng global industrial at supply chains, para ihatid ang mas maraming benepisyo sa iba’t ibang panig.
Salin: Vera
Pulido: Rhio
Tsina, tutol sa tangkang paglikha ng mala-NATO na alyansa sa Asya-Pasipiko
Pakikinig ng daigdig sa mas maraming tinig ng Asya, ipinanawagan ni Wang Yi
CMG Komentaryo: Hainan Free Trade Port, saksi sa patuloy na lumalawak na pagbubukas ng Tsina
Asya-Pasipiko, naging pangunahing puwersa sa paglaki ng kabuhayang pandaigdig