Di-angkop na pananalita ni Biden kaugnay ng Taiwan, mahigpit na tinututulan ng Tsina

2022-05-24 16:19:15  CMG
Share with:

Kaugnay ng pahayag hinggil sa Taiwan ni Pangulong Joe Biden ng Amerika matapos makipagtagpo sa lider ng Hapon, binigyan-diin kahapon, Mayo 23, 2022, ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na mahigpit na kinokondena at buong tatag na tinututulan ng Tsina ang pananalitang ito, at isasagawa ng Tsina ang aksyon para mapangalagaan ang soberanya, kaligtasan at kapakanan ng bansa.

 

May iisang Tsina sa buong daigdig, ang Taiwan ay isang bahagi ng Tsina, at ang pamahalaan ng People's Republic of China ay tanging lehitimong pamahalaan. Ito ang komong palagay ng komunidad ng daigdig, ito rin ang pangakong pulitikal ng Amerika sa Tsina

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac