Ayon sa ulat ng pahayagang Lianhe Zaobao ng Singapore, sa kanyang panayam kamakailan ng Nihon Keizai Shimbun o Nikkei ng Hapon, inihayag ni Punong Ministro Lee Hsien Loong ng Singapore na nasa Tsina ang mga pagkakataon at pamilihan, at kailangang makipagnegosyo sa Tsina ang iba’t ibang bansa, at tanggapin ang pamumuhunan mula sa Tsina.
Tinukoy ni Lee na tumaas ang proporsyon ng Tsina sa kabuhayang pandaigdig, at normal ang pagdami ng pakikipagpalitang pangkalakalan sa Tsina. Kung hindi pauunlarin ang kalakalan sa Tsina, magiging malaki ang kabayaran nito.
Aniya, palagiang lumalahok ang Tsina sa mga suliranin ng rehiyong Asya-Pasipiko, at iniharap ang Belt and Road Initiative at Global Development Initiative.
Sinusuportahan aniya ng Singapore ang nasabing mga inisyatiba, at sumapi rin sa grupo ng mga kaibigan ng Global Development Initiative.
Salin: Vera
Pulido: Mac