Nakasulat na talumpati sa Ika-2 China-Pacific Island Countries Foreign Ministers' Meeting, inilabas ni Pangulong Xi Jinping

2022-05-30 15:08:07  CMG
Share with:

Sa kanyang nakasulat na talumpati Lunes, Mayo 30, 2022 sa Ika-2 China-Pacific Island Countries Foreign Ministers' Meeting, tinukoy ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na nitong nakalipas na ilang taon, ipinakita ng Tsina at mga bansang pulo sa Pasipiko ang paggalang sa isa’t isa.

 

Walang humpay rin aniyang sumusulong sa positibong direksyon ang komprehensibo’t estratehikong partnership na may komong kaunlaran, at naging masagana ang natamong bunga ng ugnayang ito.

 

Ito ay nagsisilbing modelo ng South-South Cooperation, mutuwal na kapakinabangan at win-win situation, dagdag niya.

 

Diin ni Xi, sa harap ng mga pagbabago sa kalagayang pandaigdig, sa mula’t mula pa’y nananatiling mabait na kaibigan, kapatid at partner ng mga bansang pulo sa Pasipiko ang Tsina.

 

Aniya, ang pangangalaga sa kapayapaan at katatagan ng Asya-Pasipiko, at pagpapasulong sa kaunlaran at kasaganaan ng iba’t ibang bansa ay komong hangarin ng mga mamamayan sa rehiyon, at ito rin ay komong responsibilidad ng mga bansa sa rehiyon.

 

Nakahanda aniya ang Tsina, kasama ng mga bansang pulo sa Pasipiko, na patibayin ang kompiyansa sa magkakasamang pagharap sa mga hamon, pag-isahin ang komong palagay sa magkasamang paghahangad ng kaunlaran, at magkakapit-bisig na buuin ang mas mahigpit na komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng Tsina at mga bansang pulo sa Pasipiko.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio