Sa pamamagitan ng video link, dumalo at nagtalumpati si Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, sa Ika-78 Taunang Pulong ng Economic and Social Commission for Asia and Pacific (ESCAP) ng United Nations.
Saad ni Wang, ang kapayapaan at kasaganaan ng Asya-Pasipiko ay may kinalaman sa kapalaran ng rehiyon at buong mundo.
Dapat aniyang magkakapit-bisig na buuin ang komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng Asya-Pasipiko, at muling likhain ang bagong karikitan ng kooperasyong Asya-Pasipiko.
Diin ni Wang, patuloy na gagawin ng Tsina ang mas malaking ambag para sa pangmalayuang seguridad at katatagan at sustenableng pag-unlad ng rehiyon.
Buong tatag na ipagtatanggol ng bansa ang kapayapaan ng Asya-Pasipiko, pasulungin ang pag-unlad nito, sasali sa kooperasyong Asya-Pasipiko, susuportahan ang mga gawain ng ESCAP, at kakatigan ang pagkakaroon nito ng mas malaking papel tungo sa pagpapasulong ng kaunlarang panrehiyon.
Salin: Vera
Pulido: Rhio