Mas maraming kaligayahan sa Children’s Day dahil natututo ng paggawa

2022-05-31 15:51:18  CMG
Share with:

Ang edukasyon sa paggawa ay hindi lamang nagbibigay sa mga bata ng kakayahan at pagkakaroon ng kaugalian ng paggawa, kundi nagsasanay rin sa kanilang magkaroon ng kaloobang ispiritwal at pagkakaron ng responsibilidad.

Hawak ng mga batang taga-Beijing ang mga tangkay ng trigo.

Naghahanap ang mga bata ng kamote sa Jiangxi.

 

Namimitas ang mga bata ng dahon ng tsaa sa probinsyang Jiangxi.

Isinapubliko kamakailan ng Ministri ng Edukasyon ng Tsina ang “Labor Curriculum Standards for Compulsory Education (2022)” kung saan malinaw na naitakda na mula Autumn Semester sa darating na Setyembre 2022, ang mga kaalaman ng paggawa na tulad ng “pag-aayos at pagliligpit,” “pagluluto at nutrisyon,” at “paggawa ng tradisyonal na obrang makasining” ay pormal na ituturo sa mababa at mataas na paaralan ng Tsina.

Nag-aaral ang mga bata ng pagluluto sa probinsyang Zhejiang.

 

Nag-aaral ang mga bata ng pagtahi ng butones.

Nanghuhuli ng mga loach ang mga bata sa Chongqing.

Sa International Children’s Day, binati ng maligayang pestibal ang lahat ng mga bata sa buong daigdig. Sana’y magtamasa ang mas maraming bata ng kaligayahang dala ng paggawa.

 

Namimitas ang mga bata ng mga kahel o oranges sa Sichuan.


Salin: Lito

Pulido: Mac