Ang pangangalaga sa Inang Kalikasan ay dapat magkakasamang isagawa ng buong sangkatauhan.
Nagkaisa at sinuportahan ng 100 bansa ang Kunming Declaration, pinakamahalagang resulta ng 15th Conference of the Parties to the Convention on Biological Diversity o COP15 nitong Oktubre 13, 2021. Ipinakikita nito ang determinasyong pulitikal ng mga pamahalaan na isagawa ang mga konkretong hakbang upang tugunan ang mga suliranin kaugnay ng biodiversity. At mapapangalagaan nito ang lupain, katubigan at lahat ng uri ng halaman at hayop sa kapaligiran, maging ang kinabukasan ng sangkatauhan.
Pero sa mga ordinaryong tao, ano ang maaring gawin upang mamulat ang mga mata, maisa-puso at maisa-isip ang kahalagahan ng pangangalaga sa lahat ng uri ng buhay para sa kinabukasan ng buong mundo?
Si Eve Denise Coronel ay International Baccalaureate Diploma Program Coordinator ng Manila Xiamen International School (MXIS).
Aniya, dahil sa mga mapanirang kagawian mahirap nang ibalik sa dati ang lagay ng kalikasan. Bunsod ito ng mabilis na industriyalisasyong sumisira sa kagubatan, na nakakaapekto sa biodiversity at likas na yaman. Ang mabilis na pagdami ng mga tao, pagbabago ng klima, pagliit ng bilang ng mga hayop at halaman, pagdumi ng tubig at marami pang mga problema sa kalikasan ang dahilan ng kasalakuyang kalagayan (ng Mundo).
Babala niya, kung hindi kikilos ang lahat, mahaharap ang sangkatauhan sa kakulangan ng pagkain at tubig, magkakaroon ng tagtuyo at baha na sisira sa balanse ng ecosystem at kapaligiran.
“I believe that harmonious coexistence between humanity, environment and nature will help create a better world. Our choice and actions will definitely determine the future of the world we live in. In our own little way, let us choose to work together to respect and protect our environment,”saad ng gurong halos dalawang dekada nang naninirahan sa Xiamen.
Sa Manila Xiamen International School, bahagi ng curriculum ang environment outreach programs upang higit na maging malalim ang pag-unawa ng mga mag-aaral sa usapin ng kalikasan at biodiversity.
Mula 2014 hanggang 2018 regular na nagpupunta sa Pilipinas ang mga high school students para sa Week Without Walls (WOW) educational and experiential field trip. Ilan sa mga paksang tinatalakay ay pagdami ng populasyon, erosion, pagkasira ng biodiversity, polusyon, pagkasira ng kagubatan at kawalan ng malinis na tubig-inumin.
Balik-tanaw ni Denise, ang mga environmental activities kasama ng mga Aeta ang nagturo sa kanyang napakahalaga talaga ng ugnayan ng tao at kalikasan. “For me, the environmental activities together with our Aeta Community Outreach Programme made me realize the impact of our actions on marine and terrestrial ecosystems. These indigenous people are totally dependent on the environment for their survival,” paglalahad ng guro.
going to aeta village
sa Aeta village
water quality testing
coral reef check for biodiversity
survival training
whale encouter and rescue training
Ilang poster ng mga estudyante
Natigil ang taunang immersion dahil sa pandemiya ng COVID-19. Sa kasalukuyan dahil sa mahigpit na health and safety protocols sa Xiamen, nagboluntaryo lang ang mga MXIS students sa Guanren Community para gawin at palaguin ang isang rooftop garden. Kuwento ni Denise, itinuturo nila sa mga bata ang ideyang Think Globally, Act locally.
Madalas na nagaganap sa iba’t ibang parte ng mundo ang mga pambihirang kalamidad. Hinggil dito, pahayag ni Denise, “Our ecosystems are fragile and there is really a need to raise public awareness about environmental problems, which is also one of the UN 2030 Sustainable Development Goals (SDGs).” Paalala niyang ang simpleng pagsunod sa 3Rs (reuse, reduce, recycle) ay malayo ang mararating para sa pagprotekta sa kapaligiran.
Tungkol naman sa climate change, aniya “We have to keep in mind the Precautionary Principle: When an activity poses threat to human or environmental health, precautionary measures should be taken even if its cause and effect relationship is not fully established scientifically.”
Mga bulilit, dapat maagang matutong mahalin ang Inang Kalikasan.
Para kay Jensen Moreno, guro ng sining sa HD Beijing School, pananaw ng isang ina ang nananaig nang kapanayamin siya ng China Media Group Filipino Service. Saad niya, “As an educator, I feel I have a big responsibility in educating the younger generations on how we can help protect our environment. As a mother of three children, I feel worried for my kids as they are not growing up the way that I used to grow up.“
Si Jensen Moreno kasama ng mga estudyante
Pagbabalik-tanaw ng tubong Bataan na visual artist, noong kabataan, naglalaro siya sa palayan, dalampasigan, kabundukan na sariwa ang hangin. Ang mga lawa at sapa ay may malinis na tubig na may maraming uri ng yamang tubig.
Dagdag niya, “I remember walking in between the rice fields with my bare feet and seeing the small pink eggs wrapped around the rice plants. I used to wonder what they were, and my grandfather told me they were from the farm frogs. My children never got to experience these things now as we are living in the city, but I am hoping that it will not be too late, and they will still get the chance to enjoy the beauty and wonders of nature.”
Kahit na mga paslit pa lang ang kaniyang dalawang bulilit, marunong na silang mag-recycle. Sa kanilang komunidad sa Beijing, pumupunta sina Jaz at Jamie, kasama ang kanilang ama sa recycling shop. Anumang benta mula sa ipong boteng plastic o box ay itinatabi ng magkapatid.
Sa HD Beijing School, aktibo rin ang kampanya ng recycling. Ayon pa kay Megs, co-teacher ni Jensen, mula sa mga recycled materials gumagawa ang mga bata ng robot. Malikhaing paraan para aralin ang bahagi ng katawan at masayang aktibidad ang paghanap ng mga pwedeng gamiting recycled materials.
Gaya ng lahat ng mga paaralan, core area ng curriculum ang paksa tungkol sa biodiversity at kalikasan. Paliwanag ni Rashda, guro ng agham sa HD Beijing School, “Pupils are encouraged to understand the importance of becoming globally responsible citizens and to become solution focused in their approach and understanding around the many pressing and urgent environmental issues at hand.”
Ani pa ni Michael, Grade 2 coordinator, “When students are learning about the way that animals and habitat affect each other, and the impact that we have on these areas, they gain a better understanding that each of their actions makes a difference. It is our goal to help them make meaningful choices that take steps toward habitat protection and rehabilitation.”
Bilang pagtatapos, hinggil sa ideyang inihain ng Tsina sa COP15 na magkakasamang pagtatatag ng komunidad ng lahat ng uri ng buhay sa Mundo at ang paglikha ng may harmonyang pakikipamuhayan ng mga tao at kalikasan, ani Jensen, ito ay isang mabuting inisyatiba na lilikha ng malaking pagbabago. “Nature brings us not only habitat for all living creatures, but (also gives) joy, happiness, and inspiration. Let us all help in keeping our Mother Earth clean and healthy by being mindful of our actions,” aniya pa.
Ulat: Machelle Ramos
Patnugot sa teksto: Jade/Mac
Patnugot sa web: Jade/Vera
Larawan: Eve Denise Coronel/Jensen Moreno/Megs/Rashda/Michael