Kaugnay ng talumpati ng patakaran sa Tsina na binigkas kamakailan ni Antony Blinken, Kalihim ng Estado ng Amerika, ipinahayag nitong Mayo 30, 2022, ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sa katotohanan, ang “pandaigdigang kaayusang batay sa tuntunin” na sinabi ng Amerika ay “pandaigdigang kaayusang batay sa tuntunin ng Amerika,” at ito ay “kaayusan ng hegemonya.”
Ayon kay Zhao, unang una, ang Amerika ang pinagmumulan ng pinakamalaking kaguluhan sa kapayapaan ng mundo at pinakamalaking sanhi ng kawalang katatagan sa kaayusang pandaigdig.
Ikalawa, iginigiit nito ang American-centric theory at American exceptionalism. Ito ang pinakamalaking “tagasira” ng kaayusang pandaigdig.
Ikatlo, sa pananaw ng Amerika, ang regulasyong pandaigdig ay dapat maglingkod sa kapakanan ng sariling bansa.
At sa huli, inilalagay ng Amerika ang domestikong batas sa itaas ng pandaigdigang batas at regulasyong pandaigdig, at isinasagawa nito ang ilegal na unilateral na sangsyon at long arm jurisdiction, saad ni Zhao.
Salin:Sarah
Pulido: Mac