CMG Komentaryo: Maraming pagkakataon, uusbong kasabay ng pagbalik sa normal ng Shanghai

2022-06-02 17:11:51  CMG
Share with:

Makaraang mabisang makontrol ang pinakahuling pagkalat ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), sinimulan kahapon, Hunyo 1, 2022 ng lunsod Shanghai ang pagno-normalisa ng mga aktibidad panlipunan at operasyon ng mga negosyo.

 

Bilang isa sa mga nukleong lunsod ng industriya, komersyo, at pinansyo ng Tsina, ang muling pagbubukas ng mga negosyo sa Shanghai ay makakatulong sa pagpapabuti ng global supply chain, at ang pagbangon ng lokal na pamilihan ng konsumo ay mabuti rin sa mga kompanya ng buong daigdig.

 

Para tulungan ang mga apektadong negosyo, inilabas ng Shanghai ang mga proaktibong hakbanging gaya ng paggarantiya sa supply chain, pagdaragdag ng suporta sa pondo, at iba pa.

 

Ang mga negatibong epektong dulot ng COVID-19 ay mananatili lamang sa loob ng maikling panahon, at hindi nito mababago ang mainam na pangmalayuang tunguhin ng kabuhayang Tsino.

 

Laging may iba’t ibang uri ng hamon sa anumang pamilihan, at kailangang hanapin ang mga pagkakataon sa harap ng mga ito.

 

Sa pamamagitan ng malawak na saklaw, bumubuting kapaligirang pang-negosyo, namumukod na lakas pang-inobasyon, at kapansin-pansing determinasyon laban sa krisis, ipinagkakaloob ng merkadong Tsino ang maraming pagkakataon sa daigdig, at karapat-dapat itong bigyang-pansin para sa pangmatagalang kapakinabangan.


Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan