Darating sa Hunyo 6 at tatagal hanggang Hunyo 20, 2022 ang 芒种 (mánɡ zhònɡ) – ika-9 sa 24 na solar term ng Tradisyonal na Kalendaryong Tsino o 农历(nónɡ lì).
Literal na nangangahulugang Butil sa Tainga, ang Mang Zhong ay siya ring ikatlong solar term ng tag-init sa Tsina.
Nitong libu-libong taong nakalipas, ang mga solar term ay nagsisilbing gabay ng mga Tsino sa pagsasaka.
May kasabihang Tsino, “tuwing Mang Zhong, abalang abala sa pagtatanim at pag-aani ang mga magsasakang Tsino.”
Sapagkat sa panahong ito, hinog na at maaari nang anihin ang trigo sa hilagang Tsina, samantalang maghapon namang nakayukong nagtatanim ng palay ang mga magsasaka sa katimugang Tsina.
Ang mga magsasaka mula sa lalawigang Shandong at lalawigang Hebei habang umaani ng trigo, sa pamamagitan ng makina
Gamit ang karit, manu-manong ginagapas ng isang magsasaka ang trigo sa bukirin ng lunsod Huaibei, lalawigang Anhui
Abalang abalang nagtatanim ng palay ang mga magsasaka mula sa lunsod Kunshan, lalawigang Jiangsu
Abalang abalang nagtatanim ng palay ang mga magsasaka mula sa lunsod Ji’an, lalawigang Jiangxi
Salin/Patnugot: Jade
Pulido: Rhio