Sa okasyon ng World Environment Day Linggo, Hunyo 5, 2022, pormal na pinasimulan sa Nairobi, kabisera ng Kenya ang “aksyon ng mediang Tsino at Aprikano sa pangangalaga sa kapaligiran” na itinaguyod ng istasyon ng China Media Group (CMG) sa Aprika.
Tema ng nasabing aksyon ay “pananawagan para sa kalikasan.” Layon nitong palakasin ang kooperasyon ng mga mediang Tsino at Aprikano sa pagpapalaganap ng pangangalaga sa kapaligiran, at pasulungin ang magkasamang pagtatamasa ng Tsina at Aprika ng pagkakataon ng luntiang pag-unlad.
Dumalo sa seremonya ng pagsisimula ang mga kinatawan mula sa mga organisasyong pandaigdig na gaya ng United Nations (UN) Environment Programme, UN Development Programme, UN International Children's Emergency Fund, at World Wide Fund For Nature, mga opisyal mula sa mga bansang Aprikano, at mga kinatawan mula sa mga panguanhing mediang Aprikano.
Sa seremonyang ito, magkakasamang nanawagan ang CMG at mga pangunahing mediang Aprikano na magkakasamang palakasin ang pagpapalitan ng mga mamamayang Tsino at Aprikano sa kamalayan at kilos ng pangangalaga sa kapaligiran upang makapagbigay ng ambag para sa pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kapalarang Sino-Aprikano sa mataas na lebel.
Salin: Lito