CMG Komentaryo: Sino ang tunay na kaibigan? Tulad ng Tsina at Aprika

2022-01-11 11:56:12  CMG
Share with:

Mula noong ika-4 hanggang ika-7 ng Enero, 2022, dumalaw ang ministrong panlabas ng Tsina sa tatlong bansang Aprikano na kinabibilangan ng Eritrea, Kenya at Union of Comoros.
 

Nitong nakalipas na 32 taon, laging pinili ng mga ministrong panlabas ng Tsina ang Aprika bilang unang hinto ng kanilang pagdalaw sa bagong taon, at nagsilbi itong tradisyon ng diplomasyang Tsino.
 

Ang katatapos na biyahe ng ministrong Tsino sa Aprika ay upang suportahan ang mga bansang Aprikano na pagtagumpayan ang pandemiya sa lalong madaling panahon, at isakatuparan ang pagbangon ng kabuhayan.

CMG Komentaryo: Sino ang tunay na kaibigan? Tulad ng Tsina at Aprika_fororder_TsinaAprika1

Habang iginigiit ng ilang bansang kanluranin ang “vaccine nationalism,” ipinagkakaloob ng Tsina, sa abot ng makakaya, ang saklolo sa Aprika.
 

Sa panahon ng nasabing biyahe sa Aprika, inihayag ng panig Tsino na muling bibigyan ng 10 milyong dosis ng bakuna ang Kenya, at tutulungan ang Comoros na isakatuparan ang target ng pagbabakuna ng lahat ng mga mamamayan kontra Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
 

Kaugnay ng umano’y “debt trap” na pinapalaki ng mga bansang kanluranin, pinuna ito ni Pangulong Isaias Afwerki ng Eritrea. Diin niya, hindi kailanma'y nakikialam ang Tsina sa mga suliraning panloob ng ibang bansa, at sa halip, ang Tsina ay tunay na partner sa kaunlaran ng Aprika. Inaasahan aniya niyang mapapatingkad ng Tsina ang mas malaking papel sa proseso ng kapayapaan at kaunlaran ng Aprika.
 

Sa mula’t mula pa’y nagpapadala ang Tsina ng pagkakaibigan at pagtitiwalaan sa Aprika, at hinding-hindi maglalayo sa kooperasyong Sino-Aprikano ang anumang puwersang panlabas.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method