Mahigit 80 libong ektaryang trigo, inani ng Tsina sa 2022

2022-06-05 11:36:10  CMG
Share with:

Kasalukuyang pinabibilis ng Tsina ang pag-ani ng trigo sa mga pangunahing rehiyong nagpoprodyus ng pagkain.

 

Kaugnay nito, na-ani na sa buong bansa ang mahigit 80 libong ektaryang trigo na katumbas ng mahigit 40% ng kabuuang ani sa buong taon.

 

Bukod pa riyan, dahil sa puspusang pagpapabuti ng iba’t-ibang lugar ng estruktura ng pagtatanim, lumalawak ang saklaw ng pinagtataniman ng mga de-kalidad na trigo ngayong taon.


Salin: Lito

Pulido: Rhio