Ministring Panlabas ng Tsina: Summit of the Americas, hindi Summit ng Amerika

2022-06-07 15:26:05  CMG
Share with:

Mula Hunyo 6 hanggang 10, ginaganap sa Los Angeles ang Summit of the Americas at isang serye ng mga aktibidad. Maraming beses na inanunsyo ng panig Amerikano na hindi imbitado ang Cuba, Venezuela at Nicaragua.

 

Tungkol dito, tinukoy nitong Lunes, Hunyo 6, 2022 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang Summit of the Americas ay hindi Summit ng Amerika.

 

Aniya, bilang bansang tagapagtaguyod, dapat itigil ng Amerika ang unilateral at hegemonistikong kilos, at totohanang bigyan ng kinakailangang paggalang ang mga bansang Latin American at Caribbean.

 

Ayon sa ulat, bilang tugon, sinabi ni Pangulong Nicolás Maduro ng Venezuela na mahigit 25 bansang Latin American at Caribbean ay hayagang nagprotesta sa ganitong mapagtanging kilos ng Amerika, at humiling sa Amerika na anyayahan ang lahat ng mga bansang Amerikano.

 

Malinaw na inihayag naman ng mga lider ng Honduras, Saint Vincent at Grenadines na hindi sila dadalo sa summit.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Mac