Inihayag nitong Lunes, Hunyo 6, 2022 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang umano’y “genocide” sa Xinjiang ay kasinungalingang niluto ng mga pulitikong Amerikano, at ito rin ang klasik ng diplomasya ng kasinungalingan ng panig Amerikano.
Ayon sa ulat, sa isang cocktail reception noong 2021, isiniwalat nina Sheila Carey, Consul at Puno ng Economic / Political Section ng Konsulado Heneral ng Amerika sa Guangzhou, at Andrew Chira na ang pagpapalaki ng pamahalaang Amerikano ng sapilitang pagtatrabaho, genocide at karapatang pantao sa Xinjiang ay "mabisang paraan," at pinal na layon nitong mabalaho ang Tsina sa putik.
Kaugnay nito, tinukoy ni Zhao na noong 2018, inamin ni Lawrence Wilkerson, dating senior officer ng Amerika, na nais ng Amerika na sirain ang katatagan ng Tsina, ang pinakamagandang paraan ay paglikha ng kaguluhan sa Xinjiang, pag-udyok ng lahing Uygur, at panggugulo sa Tsina mula sa loob.
Diin ni Zhao, sa kasalukuyan, nagbubuklud-buklod ang iba’t ibang nasyonalidad sa Xinjiang, matatag ang lipunan at masagana ang kabuhayan, ito ang pinakamabisang reaksyon sa mga kasinungalingang may kinalaman sa Xinjiang na pinapalaganap ng Amerika.
Salin: Vera
Pulido: Mac