Sa pamamagitan ng video link, idinaos nitong Hunyo 6, 2022, ng Ikalawang Pulong ng mga Ministrong Pinansyal at Puno ng Bangko Sentral ng mga bansa ng BRICS (Brazil, Russia, India, China at South Africa).
Magkasamang nangulo sa nasabing pulong sina Liu Kun, Ministrong Pinansyal ng Tsina at Yi Gang, Puno ng People's Bank of China (PBC).
Tinalakay sa pulong ang kalagayan ng macro-economy at koordinasyon ng mga patakaran at iba pang tema.
Sa Magkasanib na Pahayag ng Ministrong Pinansyal at Puno ng Bangko Sentral ng mga bansa ng BRICS na inaprobahan sa pulong, binigyan-diing ang pambansang sistemang pinansyal ay dapat magbigay-serbisyo para sa kapakanan ng lahat ng bansa; dapat pabilisin ang pagsasakatuparan ng 2030 Agenda for Sustainable Development ng United Nations (UN), para isakatuparan ang mas malakas, mas berde at mas malusog na pag-unlad ng buong mundo.
Inaprobahan din sa pulong ang Ulat sa Teknolohiya ng Pagpapasulong ng Sustenableng Pag-unlad sa Pamamagitan ng Public-Private Partnership (PPP) ng BRICS.
Salin:Sarah
Pulido:Mac