CMG Komentaryo: Mga bansang BRICS, gaganap ng mas malaking papel sa daigdig

2022-05-21 18:11:36  CMG
Share with:

Sa pagtataguyod ng Tsina, idinaos kamakailan ang dalawang aktibidad ng mga bansang BRICS o Brazil, Rusya, Indya, Tsina at Timog Aprika. Ang isa ay pulong ng mga ministrong panlabas ng naturang limang bansa, at ang isa pa ay porum ng mga partidong pulitikal, think tank, at civil society organizations ng BRICS.

 

Sa kanyang talumpati at mensahe sa dalawang aktibidad na ito, binanggit ni Pangulong Xi Jinping ang dalawang pangunahing paksa: katiwasayan at kaunlaran. Nanawagan rin siya sa mga bansang BRICS na magsikap, kasama ng ibang mga umuunlad na bansa, para buuin ang pandaigdigang komunidad ng seguridad at pandaigdigang komunidad ng pag-unlad.

 

Bilang tagapangulong bansa ng BRICS sa taong ito, itinaguyod na ng Tsina ang mahigit 50 aktibidad. Sa pamamagitan ng mga ito, hindi lamang natatamo ng mga bansang BRICS ang malaking progreso sa kanilang kooperasyon sa maraming aspekto, kundi idinulot din ang mga bagong pagkakataong pangkaunlaran para sa mga umuunlad na bansa.

 

Ang mga bansang BRICS ay mga kinatawan ng mga umuunlad na bansa. Sa harap ng mga epektong dulot ng di-magaping pandemiya ng COVID-19 at maraming hamon sa pandaigdigang seguridad at pagbangong pangkabuhayan, kailangang ibuhos ng mga bansang BRICS ang magkakasamang pagsisikap sa aspekto ng katiwasayan at kaunlaran, at igiit ang pagtitiwalaang pulitikal, mga pragmatikong aksyon, at pagkokoordinahan. Sa gayon, patitingkarin nila ang “papel ng BRICS” sa kasalukuyang kalagayan ng daigdig na may kaligaligan at pagbabago, at ibibigay ang “lakas ng BRICS” para sa pag-unlad ng buong mundo.


Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos