Wang Yi: Mas marami pang bansa, maaaring lumahok sa BRICS Plus

2022-05-21 18:13:04  CMG
Share with:

Sa pamamagitan ng video link, pinanguluhan nitong Mayo 19, 2022, ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, ang diyalogo sa pagitan ng mga bansang BRICS o Brazil, Rusya, Indya, Tsina at Timog Aprika, mga bagong-sibol na ekonomiya, at umuunlad na bansa na gaya ng Kazakhstan, Uzbekistan, Argentina, Egypt, Thailand, Indonesia, Nigeria, Senegal at Saudi Arabia.

 

Sinabi ni Wang, na ang Tsina ay mananatiling miyembro ng malaking pamilya ng mga umuunlad na bansa, at laging pumapanig sa ibang mga umuunlad na bansa. Igigiit ng Tsina ang mga karaniwang pinahahalagahan ng sangkatauhan na gaya ng kapayapaan, kaunlaran, pagkakapantay-pantay, katarungan, demokrasya, at kalayaan, at gagawin ang walang humpay na pagsisikap para itatag ang komunidad ng pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan, dagdag niya.

 

Iniharap din ni Wang ang mekanismo ng “BRICS Plus.” Ito aniya ay plataporma para sa pagtutulungan at pag-unlad ng mga bagong-sibol na ekonomiya at umuunlad na bansa. Handang tanggapin aniya ang mas marami pang bansa na lumahok sa mekanismong ito, para itaguyod ang demokrasya sa pandaigdigang relasyon, pasulungin ang mas inklusibong kabuhayang pandaigdig at mas makatwirang pangangasiwa ng mundo, at likhain ang mas magandang kinabukasan.


Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos