Sinabi kamakailan ni Anthony Albanese, Punong Ministro ng Australia, na makikipag-negosasyon siya sa Amerika para di ituloy ang mga kaso kontra Julian Assange, tagapagtatag ng Wikileaks.
Kaugnay nito, ipinahayag nitong Hunyo 7, 2022, sa preskon, ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sa pamamagitan ng bentahe ng internet at teknolohiya ng telekomunikasyon sa sarili nitong bansa, nilabag ng Amerika ang kalayaan ng pagpapahayag ng mga mamamayan nito at isinagawa din ang cyber-attack at pagnanakaw ng mga sikreto sa buong mundo.
Ani Zhao, ang Amerika ay tunay na naghahari sa hacking, pagmamatyag at pagnanakaw ng lihim.
Sa isang banda, ninanakaw ng Amerika ang mga sikreto gamit ang teknolohikal na hegemonya at sa kabilang banda, ginamit nito ang konsepto ng seguridad ng bansa bilang “catch-all pretext.” Ang double standard na ito ay lubos na nagpakita ng “hegemonya ng Amerika.”
Salin:Sarah
Pulido:Mac