Senior officials’ meetings ng kooperasyon ng Silangang Asya, gaganapin; Tsina, umaasang makakamit ang komong palagay sa pagkakaisa at pagtutulungan

2022-06-08 12:14:41  CMG
Share with:


Sa regular na preskon nitong Martes, Hunyo 7, 2022, isinalaysay ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina na mula Hunyo 8 hanggang 9, gaganapin ang ASEAN Plus Three (China, Japan and the Republic of Korea) Senior Officials’ Meeting (APT SOM), East Asia Summit Senior Officials’ Meeting (EAS SOM) at ASEAN Regional Forum Senior Officials’ Meeting (ARF SOM), sa pamamagitan ng video links.

 

Aniya, tatalakayin sa mga pulong ang hinggil sa pagpapatupad ng mga natamong bunga ng serye ng mga pulong noong isang taon at pag-unlad ng iba’t ibang mekanismo sa hinaharap.

 

Magpapalitan din aniya ng kuru-kuro hinggil sa mga isyung panrehiyon at pandaigdig na pinahahalagahan ng lahat ng mga panig.

 

Ayon pa sa pahayag, dadalo sa nasabing serye ng mga pulong si Wu Jianghao, Asistanteng Ministrong Panlabas ng Tsina.

 

Dagdag ni Zhao, buong pananabik na inaasahan ng panig Tsino na ibayo pang pag-iisahin ng mga pulong ang komong palagay ng mga bansa sa rehiyon sa pagkakaisa, pagtutulungan at magkakasamang pagharap sa mga hamon.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Mac