CMG Komentaryo: Tangka ng Amerika na gumawa ng grupong pipigil sa pag-unlad ng Tsina, bigo

2022-05-15 12:24:27  CRI
Share with:

Ipininid sa Washington Mayo 13 (local time), 2022 ang Espesyal na Summit ng Amerika at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

 

Ang naturang pulong ay tinaguriang summit na may mahalagang katayuan sa Indo-Pacific Strategy ng Amerika.

 

Subalit, aktuwal na hangarin hanggang sa pinal na resulta, nagkaroon ng maraming kalituhan sa nasabing summit.  

 

Kaugnay nito, walang substansyal na nilalaman ang magkasanib na pahayag na inilabas pagkatapos ng pagtitipon.

 

Tinukoy ng mga tagapag-analisa na ito ay resulta ng  nagkakaibang pananalita at aksyon ng Amerika na naglalayong magtayo ng grupo ng mga bansang pipigil sa pag-unlad ng Tsina.

 

Sa simula pa lamang ng nasabing summit ay makikita na ang “kayabangan at hegemonyang may estilong Amerikano.”

 

Noong katapusan ng nagdaang Marso, unilateral at biglang isinapubliko ng Amerika ang iskedyul ng summit, at hindi isinaayos ni Panuglong Joe Biden ang anumang bilateral na pagtatagpo sa katuwirang “abalang-abala” siya.

 

Ipinahihiwatig ng mga ito na walang anumang katapatan ang pamahalaang Amerikano sa nasabing summit na umano’y bilang paggunita sa ika-45 anibersaryo ng pagkakatatag ng partnership ng Amerika at ASEAN.

 

Ang paggigiit ng pagsasarili ay palagiang posisyon ng ASEAN.

 

Alam ng mga bansang ASEAN ang tangka ng Amerika na himukin ang kanilang pagpanig.

 

Nitong ilang taong nakalipas, ipinahayag ng panig Amerikano ang paggalang nito sa namumukod na katayuan ng ASEAN sa mga suliraning panrehiyon; sa kabilang dako, isinusulong nito ang umano’y “Trilateral Security Partnership” at “Quadrilateral Security Dialogue (QUAD)” na nakakasira sa pagkakaisa ng ASEAN.

 

Dahil dito, hindi masyadong pinansin ng mga bansang ASEAN ang uumano’y “Indo-Pacific Economic Framework (IPEF)” na iniharap ng Amerika.

 

Inamin din ng media ng Amerika na ang umano’y IPEF ay kulang sa aktuwal na nilalaman.

 

Maliwanag na ito ay isa lamang kagamitang pampultika.

 

Pagkatapos ng naturang summit, bibiyahe si Biden sa Timog Korea at Hapon, at dadalo siya sa QUAD Summit.

 

Ito ang kanyang unang biyahe sa Asya makaraang manungkulan bilang pangulo ng Amerika.

 

Ang mga aksyong makakabuti sa mapayapang pag-unlad ng Asya ay tinatanggap ng mga bansang Asyano, ngunit hinding-hindi nila tatanggapin ang anumang gawaing nakakapinsala sa kapayapaan, katatagang panrehiyon, at pagkakaisa at pagtutulungang panrehiyon.

 

Ang Espesyal na Summit ng Amerika at ASEAN ay isa lamang pagpakita ng “hegemonyang may estilong Amerikano.”


Salin: Lito

Pulido: Rhio