Tsina sa Australia: Agarang itigil ang mapanganib na probokatibong aksyon

2022-06-08 10:35:42  CMG
Share with:

Noong Mayo 26, 2022, pumasok ang isang eroplanong militar ng Australia sa teritoryong panghimpapawid ng Tsina na malapit sa Xisha Islands para sa isagawa ang pagmamatyag. Sa kabila ng paulit-ulit na babala ng panig Tsino, patuloy itong lumapit sa teritoryong panghimpapawid ng Xisha Islands. Bilang tugon, ini-organisa ng Southern Theater Command ng People’s Liberation Army (PLA) ang puwersang pandagat at panghimpapawid para tiyakin at suriin ang eroplanong militar ng Australia at paalisin ito.

 

Kaugnay nito, ipinahayag nitong Martes, Hunyo 7, 2022 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina, na solemnang nagbabala ang panig Tsino sa panig Australyano na agarang itigil ang ganitong mapanganib na probokatibong aksyon, at mahigpit na limitahan ang mga aksyon ng puwersang pandagat at panghimpapawid nito. Kung hindi, ang panig Australyano ang magiging responsable sa lahat ng grabeng resultang dulot nito, ani Zhao.

 

Dagdag niya, binabaligtad ng panig Australyano ang itim’t puti at laging ikinakalat ang pekeng impormasyon para isulsol ang komprontasyon. Buong tindi itong tinututulan ng panig Tsino, diin pa ni Zhao.


Salin: Lito

Pulido: Mac