Ang Hunyo 11 ay Cultural and Natural Heritage Day ng Tsina.
Sa loob ng mahigit 5,000 taong kasaysayan ng Nasyong Tsino, nalikha ang maluningning na sibilisasyon, at nabuo ang katangi-tanging kultura at kaugalian.
Pagodang gawa sa kahoy sa Yingxian County, Lalawigang Shanxi ng Tsina
Matatagpuan sa Tsina ang maraming pamanang kultural na kinikilala ng daigdig, at ang tradisyonal na gusaling kahoy sa estilong Tsino ay isa sa mga ito.
Beijing Courtyard o Patyong panirahan ng Beijing
Di tulad ng mga gusaling bato ng maraming sinaunang sibilisasyon, malawakang tampok sa tradisyonal na gusali ng Tsina ang estrukturang kahoy.
Tahanan sa sinaunang rehiyon ng Huizhou kung saan may pagkakahalu-halo ang estatuwang bato, kahoy at laryo
Ang estilong ito ay mayroong kumpletong pormula tungkol sa materyal, estruktura, proporsyon at iba pa.
Ang estrukturang kahoy ay may malayang pagbabago ng anyo sa takdang digri, at mayroon ding mainam na katangian sa pagpigil sa epekto ng lindol.
Tahanan sa katimugan ng Lalawigang Fujian
Hardin sa Estilong Suzhou
Ang tradisyonal na gusaling kahoy sa estilong Tsino ay inilakip sa listahan ng world intangible cultural heritage.
Salin: Vera
Pulido: Rhio