Ang Hunyo 11 ay Cultural and Natural Heritage Day ng Tsina.
Sa loob ng mahigit 5,000 taong kasaysayan ng Nasyong Tsino, nilikha ang maluningning na sibilisasyon, at nabuo ang katangi-tanging kultura at kaugalian.
Narito ang salaysay tungkol sa Kunqu Opera at Grand Song ng Lahing Dong, mga world intangible cultural heritage ng Tsina sa larangan ng traditional performing arts.
Kunqu Opera, pinagmulan ng iba’t ibang uri ng opera ng Tsina
Mahigit 600 taon na ang kasaysayan ng Kunqu Opera, at tinatawag itong “ninuno ng mga opera, guro ng mga opera” ng Tsina.
Maraming lokal na operang ang nagmula sa Kunqu Opera.
Kunqu Opera na pinamagatang “Peony Pavilion”
Sapul nang mabuo ang mga opera ng Tsina, walang tigil na nagbabago ang nilalaman, paraan ng palabas at iba pang aspekto ng mga ito kasabay ng pagbabago ng panahon.
Pero sa kabila nito, kaunti lamang ang pagbabago ng Kunqu Opera, at napapanatili nito ang karamihan sa mga tradisyonal na katangian.
Kunqu Opera na pinamagatang “Butterfly Lovers”
Bukod dito, masagana rin ang uri ng Kunqu Opera, kaya tinatawag din itong “living fossils.”
Grand Song ng Lahing Dong, mala-paraisong tunog mula sa bulubunduking purok
Ang Lahing Dong ay isang etnikong grupo sa katimugan ng Tsina.
Mayroon itong sariling lengguwahe, pero walang sariling paraan ng pagsulat.
Para sa mga mamamayan ng Lahing Dong, ang kanta ay hindi lamang paraan ng pagpapahayag ng sariling damdamin at pagmamahal, kundi kagamitan din sa pagpapamana ng kasaysayan ng nasyon, kaugalian ng relasyong pantao, at katalinuhan sa pamumuhay.
Ang Grand Song ay piling kanta ng Lahing Dong, kung saan, walang patnugot at saliw sa palabas, pero nagpapamalas ng dalisay na sining ng pagkanta, at ang mala-paraisong himig ay ibinabahagi sa mga manonood.
Noong Setyembre ng 2009, ang Grand Song ng Lahing Dong ay inilakip sa listahan ng world intangible cultural heritage.
Salin: Vera
Pulido: Rhio