Ayon sa estadistikang inilabas, Hunyo 9, 2022, ng Pangkalahatang Administrasyon ng Adwana ng Tsina, kung mabibilang sa US dollar, ang kabuuang halaga ng pag-aangkat at pagluluwas ng Tsina noong Mayo ay umabot sa 537.74 bilyong US dollar, na lumaki ng 11.1% kumpara sa gayon ding panahon ng nagdaang taon.
Kabilang dito, lumaki ng 16.9% ang halaga ng pagluluwas, at nagdoble ito kaysa tinatayang 8% ng Reuters. Ito ay isa pang palatandaang bumabangon ang kabuhayang Tsino mula sa epidemiya ng COVID-19 na naganap kamakailan, at muli nitong ipinakikita ang malakas na resilience ng kabuhayang Tsino.