Ang Hunyo 11, 2022 ay Cultural and Natural Heritage Day ng Tsina.
Sa okasyong ito, ipakikilala namin sa inyo ang Sining na Regong, isa sa mga intangible cultural heritage na inilakip sa listahan ng UNESCO noong 2009.
Ang Sining na Regong ay mula sa Huangnan Tibetan Autonomous Prefecture, lalawigang Qinghai sa dakong hilaga-kanluran ng Tsina.
Ang Sining na Regong ay binubuo ng mga akdang Budista na gaya ng thangka, pintang mural, barbola at lilok.
Nagsimula noong ika-13 siglo, ang Sining na Regong ay mahalagang bahagi ng arte ng Budistang Tibetano.
Ang thangka ay ang sining ng pagpinta ng mga balumbong panrelihiyon bilang pagbibigay-galang sa Buddha. Ang espesyal na brotsa at natural na tina ang ginagamit para pintahan ang telang may mga paternong iginuguhit gamit ang uling.
Ang mga akdang thangka
Ang mga tina para sa pagpipinta ng thangka
Pagpipinta ng thangka
Ang barbola ay yari sa mga maliliit na retasong tela o sutla.
Ang mga barbola
Kahanga-hanga rin ang mga lilok ng Sining na Regong. Kabilang dito ang lilok-luwad, lilok-kahoy, lilok-ladrilyo at lilok-bato.
Lilok-luwad
Paggawa ng pigurang luwad
Salin/Patnugot: Jade
Pulido: Mac