Op-ed: Magtiyaga para matiyak ang masaganang ani sa tag-init

2022-06-11 15:25:13  CMG
Share with:



Ang trigo ay bumubuo ng 90% pataas ng produksyon ng pagkaing-butil sa tag-init sa Tsina.

 

Ayon sa Ministri ng Agrikultura at mga Suliraning Rural ng Tsina, mula Mayo 28, 2022, nagsimula na ang malawakang anihan ng trigo sa pamamagitan ng makinarya. Tinatayang sa kalagitnaan ng Hunyo, matatapos na ang anihan sa lahat ng mahigit 22 milyong hektaryang taniman ng trigo ng bansa.

 

Kung walang tiyaga, walang nilaga. Ang masaganang ani ay ang biyaya ng tiyaga at pawis.

 

May mga sumusunod na katangian ang anihan ng trigo sa tag-init ngayong taon sa Tsina.

 

Una, lumaki ang saklaw ng taniman ng trigo, at lumaki rin ang kabuuang produksyon at unit production. Bunga ng mga ito ang dekalidad na uri ng trigo at pinabuting pangangasiwa sa bukirin.


Gamit ang makina, ang mga magsasaka ay umaani ng trigo sa lunsod Rugao, lalawigang Jiangsu sa dakong silangan ng Tsina

 

Pangalawa, kasabay ng paglaki ng ani, tumaas din ang kita ng mga magsasaka.


 

Ang magsasaka na si Lv Hongwen sa kanyang bukirin ng trigo sa lalawigang Henan sa dakong gitna ng Tsina. Ang itinanim na trigo ni Lv ay kabilang sa uring de-kalidad, kaya hindi lamang lumaki ang produksyon kundi naging mas mataas din ang presyo ng pagtitinda kumpara sa karaniwang uri.

 

Pangatlo, mekanisasyon ng pag-ani. Kung hinog na, tatlo hanggang limang araw lang ang pinakamabuting panahon para anihin ang  trigo. Sa taong ito, tinatayang 99% ng trigo ang aanihin sa pamamagitan ng makina.


  


Pang-apat, pagbabawas ng aksaya sa mekanisasyon ng pag-ani. Ayon sa datos, kung ibababa nang 1% ang naaaksaya dahil sa mekanisasyon, mababawi ang 1.25 milyong toneladang trigo. Kaya, malaki ang ibinubuhos na pagsisikap para i-upgrade ang makinang pang-ani at mapahusay ang pagsasanay sa mga magsasaka.



Salin/Patnugot: Jade

Pulido: Mac