Tsina at Kambodya, lalo pang palalalimin ang Kooperasyong Lancang-Mekong

2022-06-14 16:24:00  CMG
Share with:

Nilagdaan nitong Hunyo 13, 2022, sa Phnom Penh, Kambodya, nina Wang Wentian, Embahador ng Tsina sa Kambodya, at Prak Sokhonn, Pangalawang Punong Ministro at Ministrong Panlabas ng Kambodya, ang kasunduan ng paglipat ng US$4.3 milyong pondo sa Kambodya, na galing sa Lancang-Mekong Cooperation (LMC) Special Fund 2022 .

 

Lubos na pinapurihan ni Prak Sokhonn ang tulong at suporta ng Tsina sa kanyang bansa.

 

Ipinahayag niyang nakinabang ang Kambodya sa 80 proyekto sa ilalim ng framework ng LMC.

 

Sinabi pa niyang patuloy na magsisikap ang Kambodya, kasama ng Tsina at ibang bansa ng sub-region, para pasulungin ang lalo pang pag-unlad ng LMC.

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac