Sa pakikipagtagpo sa pamamagitan ng video kay Prak Sokhonn, Pangalawang Punong Ministro at Ministrong Panlabas ng Kambodya Linggo, Mayo 8, 2022, inihayag ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na sa harap ng iba’t-ibang bagong hamong pandaigdig, magkasunod na iniharap ni Pangulong Xi Jinping ang Global Development Initiative at Global Security Initiative, at inilahad ang plano ng Tsina sa pagtatatag ng mas makatarungan at makatuwirang global governance system, batay sa pananaw ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan.
Aniya, malawakang sinuportahan at tinugon ng komunidad ng daigdig, lalong lalo na, ng mga bansang Asyano, ang pananaw ni Xi.
Saad ni Wang, sa mga susunod na buwan, sunud-sunod din itataguyod ng Tsina, Kambodya, Indonesia at Thailand ang pulong ng mga lider ng BRICS (Brazil, Rusya, India, China at South Africa), isang serye ng mga summit ng kooperasyon ng Silangang Asya, G20 Summit, at Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Economic Leaders' Meeting.
Ang kasalukuyang panahon ay “Asian moment” para sa global governance, dagdag niya.
Nakahanda aniya ang Tsina, kasama ng naturang tatlong bansa, na magkasamang gawin ang ambag ng Asya para sa pagharap sa mga hamong pandaigdig.
Diin ni Wang, nais makita ng Tsinang patingkarin ng mga bansa sa labas ng rehiyon ang kanilang konstruktibong papel para sa kapayapaan at kaunlaran, at huwag tanggapin ang anumang aksyong makakapinsala sa kapayapaan at katatagan, at makakasira sa pagkakaisa at pagtutulungan ng rehiyon.
Salin: Vera
Pulido: Rhio
Malalim at malawak, epekto ng talumpati ni Pangulong Tsino sa pag-unlad ng BRICS
Wang Yi: Estratehiyang Indo-Pasipiko ng Amerika, di angkop sa kapakanan ng mga bansa ng ASEAN
CMG Komentaryo: Global Security Initiative, kinakailangan ng Asya at daigdig
BFA: RCEP at Hainan FTP, magdudulot ng malaking benepisyo sa Asya