Tulay ng Samal Island-Davao City, popondohan ng Tsina

2022-06-14 16:19:58  CMG
Share with:

US$350 milyon (P18.6 bilyon) na pondo ang ipapautang ng Tsina sa pamahalaan ng Pilipinas para sa pagtatayo ng Tulay ng Samal Island at Davao City.

Sa seremoniya na idinaos Hunyo 13, 2022, sa Department of Finance (DOF) ng Pilipinas, nagpalitan ng signed framework at credit agreements para sa Samal Island-Davao City Connector (SIDC) Project, sina Huang Xilian, Embahador ng Tsina sa Pilipinas at Carlos Dominguez III, Finance Secretary ng Pilipinas.

Sisimulan ang proyekto sa unang hati ng 2022, at 60 buwan ang itatagal ng konstruksyon nito.

Ang Samal Island-Davao City bridge, na may habang 3.86 na kilometro, ay tatawid sa Pakiputan Strait at mag-uugnay sa Davao, ikatlong pinakamalaking lunsod ng Pilipinas, at Samal Island.

Ang proyektong ito ay makakabuti sa lokal na ekonomiya at pamumuhay ng mga Davaoeños.

Salin:Sarah

Pulido:Mac