MFA: Nakahandang pasulungin ang relasyong Sino-Pilipino sa mas magandang kinabukasan

2022-06-14 15:33:30  CMG
Share with:

Ayon sa ulat, sa isang aktibidad kamakailan, inihayag ni Ferdinand Marcos Jr., bagong halal na Pangulo ng Pilipinas, na bilang mabait na kapitbansa at kaibigan, ang Tsina ay nananatiling malakas na partner ng Pilipinas. Aniya, napakahalaga ng relasyong Pilipino-Sino, at nakakabuti ito sa kapuwa panig.

 

Igigiit ng Pilipinas ang nagsasariling patakarang diplomatiko, samantalang pasusulungin ang pag-unlad ng relasyong Pilipino-Sino, dagdag niya.

 

Bilang tugon dito, hinangaan nitong Lunes, Hunyo 13, 2022 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina ang paggigiit ng Pilipinas sa nagsasariling patakarang diplomatiko.

 

Nakahanda aniyang pasulungin ang bilateral na relasyon sa mas magandang hinaharap.

 

Saad ni Wang, bilang magkapitbansa, napakatagal na ng pagkakaibigan ng dalawang bansa. Nitong nakalipas na ilang taon, sa ilalim ng magkasamang pagsisikap ng magkabilang panig, tuluy-tuloy na bumubuti ang relasyong Sino-Pilipino, at nakapaghahatid ng tunay na kapakanan sa mga mamamayan ng dalawang bansa.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Mac