Sinang-ayunan kamakailan ng mga mambabatas mula sa magkabilang partido ng Amerika ang isang proposal na magbibigay ng bagong kapangyarihan sa pamahalaang Amerikano upang hadlangan ang ilang bilyong dolyares na pamumuhunan sa Tsina.
Kaugnay nito, ipinahayag nitong Hunyo 14, 2022, ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ito ay malubhang makakasira sa pandaigdigang kaayusan sa kabuhayan at kalakalan, at grabeng banta sa katatagan ng industrial at supply chains sa buong mundo.
Binigyan-diin ni Wang na ang Tsina ay napakalaking pamilihan na mayroong kasiglahan at pontensyal, at ang pamumuhunan sa Tsina ay katulad ng pamumuhunan sa kinabukasan.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio