CMG Komentaryo: Amerika, dapat isakatuparan ang pangako sa Tsina

2022-06-15 14:07:16  CMG
Share with:

 

Sa katatapos na pagtatagpo sa Luxembourg, Lunes, Hunyo 13, 2022 nina Yang Jiechi, Miyembro ng Pulitburo at Direktor ng Tanggapan ng Komisyon ng Ugnayang Panlabas ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), at Jake Sullivan, National Security Adviser ng Amerika, sumang-ayon silang maayos na isakatuparan ang mga mahalagang komong palagay na narating ng mga lider ng dalawang bansa, pabutihin ang diyalogo, bawasan ang di-pagkakaunawaan at maling konklusyon sa isa’t isa, at maayos na kontrolin at hawakan ang mga pagkakaiba.

 

Ito ang kanilang ikaapat na pagtatago upang ayusin ang kasalukuyang masalimuot na relasyong Sino-Amerikano at iba pang mga may kinalamang isyu.

 

Sa kasalukuyan, isa sa malaking hamong kinakaharap ng relasyon ng dalawang bansa ay hindi pagtupad ng pamahalaang Amerikano sa mga pangako ni Pangulong Joseph Biden na kinabibilangan ng hindi paglulunsad ng bagong Cold War laban sa Tsina, hindi pagbabago ng sistemang sosyalista ng Tsina, hindi pagkontra sa panig Tsino, hindi pagsuporta sa pagsasarili ng Taiwan, at hindi pagsasagawa ng komprontasyon sa Tsina.

 

Sa kabilang dako, palagian at buong sikap na isinasakatuparan ng Tsina ang mga komong palagay ng mga lider ng dalawang bansa.

 

Iniharap ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang prinsipyo ng paggagalangan sa isa’t isa, mapayapang pakikipamuhayan, at kooperatibo at may mutuwal na kapakinabangan.

 

Sa naturang pagtatagpo, ipinahayag ni Yang na kasama ng Amerika, nakahanda ang Tsina na hanapin ang landas at paraan para pabutihin ang relasyong Sino-Amerikano.

 

Maliwanag ding ipinahayag ni Yang ang pag-asa ng Tsina sa tunay na pagsasakatuparan ng pamahalaang Amerikano sa mga pangako ni Pangulong Biden.

 

Sa katotohanan, ang hindi pagsasakatuparan ng nasabing mga pangako ay nagmula sa ideya ng hegemonismo at labis na kompiyansa sa sariling puwersa bilang tanging super power sa buong mundo.

 

Sa kanyang panayam kamakailan sa Sunday Times ng Britanya, tinukoy ni Henry Alfred Kissinger, dating Kalihim ng Estado ng Amerika na hindi dapat gamitin ng Amerika ang patakarang gawing isang kanluraning bansa ang Tsina.

 

Ang mga kinakarahap na hamon ng Amerika na gaya ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID 19), pagtaas ng implasyon, at paglala ng isyu ng hidwaang panlahi ay hindi malulutas sa pagsasagawa ng komprontasyon sa Tsina.

 

Ipinakikita ng mga katotohanang pangkasaysayan na ang isang mainam na relasyong Sino-Amerikano ay nakakabuti, hindi lamang sa dalawang bansa at kanilang mga mamamayan, kundi sa paglutas sa mga kasalukuyang hamon na kinakaharap ng Amerika.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio