Dapat bumawi ang Amerika sa pinsala nito sa Afghanistan sa pamamagitan ng aktuwal na aksyon — Tsina

2022-06-17 16:34:09  CMG
Share with:

Sa talumpati nitong Hunyo 16, 2022, sa Konseho sa karapatang pantao ng United Nations (UN), tinukoy ng kinatawang Tsino na ang Amerika ang may kagagawan ng isyu ng Afghanistan.


 

Hinimok ng Tsina ang Amerika na agarang komprehensibong kanselahin ang unilateral na sangsyon sa Afghanistan, ibalik ang ari-arian sa mga Afghans, para bumawi sa pinsalang ginawa nito sa mga mamamayan ng Afghanistan sa pamamagitan ng aktuwal na aksyon.

 

Sinabi rin ng kinatawang Tsino na sa kasalukuyan, kinakaharap ng Afghanistan ang mga hamon sa iba't ibang larangan. Kailangang ipagkakaloob ng komunidad ng daigdig ang pangkagipitang tulong at suporta sa paglaban sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa Afghanistan para tulungan itong mapahupa ang kahirapan.

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac