Pagkaing-butil mula sa Tsina, tinanggap ng mga naghihikahos na Afghan

2022-04-24 14:21:22  CMG
Share with:


 

Abril 23, 2022, Kabul, kabisera ng Afghanistan – Ipinamigay ng Ministri for Refugees and Repatriation Affairs ng bansang ito ang mga pagkaing-butil na ibinigay ng Tsina sa 1,500 hikahos sa buhay na Afghan.

 

Ang naturang pagkaing-butil ay ika-5 pangkat ng makataong tulong na kaloob ng Pamahalaang Tsino sa Afghanistan.

 

Ipinahayag ni Abdul Mutalib Haqqani, Tagapagsalia ng nasabing ministri, na 50 kilo ng bigas ang maaaring matanggap ng bawat Afghan na nasa aktibidad.

 

Pinasalamatan din niya ang mga tulong ng pamahalaang Tsino sa kanyang bansa.

 

Ipinatalastas noong Setyembre 2021 ng Pamahalaang Tsino na ipagkakaloob nito ang 200 milyong yuan RMB na halaga ng makataong tulong sa Afghanistan na kinabibilangan ng pagkaing-butil, bakuna, at gamot.

 

Hanggang sa kasalukuyan, naihatid na sa Afghanistan ang 6,220 toneladang pagkaing-butil.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio