Pag-aangkat at pagluluwas ng Tsina at ibang miyembro ng BRICS, lumaki

2022-06-21 16:32:15  CMG
Share with:

Umabot sa 1.31 trilyong yuan RMB ang pagluluwas at pag-aangkat ng Tsina sa ibang miyembro ng BRICS (Brazil, Russia, India, China at South Africa) noong unang 5 buwan ng taong 2022, na lumaki ng 12.1% kumpara sa gayon din panahon ng tinalikdang taon.

 

Ang electromechanical products at labor-intensive products ay nasa mga 69.7% ng kabuuang halaga ng pagluluwas ng Tsina sa ibang miyembro ng BRICS. Samantala, ang mga produkto ng enerhiya, agrikultura, minahan ng metal ay nasa mga 76.3% ng kabuuang halaga ng pag-aangkat ng Tsina mula sa ibang miyembro ng BRICS.

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac