Sa pamamagitan ng video, pinanguluhan kahapon, Hunyo 15, 2022, ni Yang Jiechi, Direktor ng Tanggapan ng Komisyon sa mga Suliraning Panlabas ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), ang pulong ng mga tagapayo o nakatataas na kinatawan sa pambansang seguridad ng mga bansang BRICS o Brazil, Russia, India, China at South Africa.
Nanawagan siya sa limang bansa na sundin ang tunguhin ng panahon, tugunan ang mga pagbabago ng kalagayan, at ibigay ang mga matatag at positibong elemento sa kasalukuyang maligalig na daigdig.
Sinabi ni Yang, na dapat isagawa ng mga bansang BRICS ang tunay na multilateralismo, magkakasamang harapin ang mga tradisyonal at di-tradisyonal na banta sa seguridad, palakasin ang pagkakaisa, at koordinahin ang katiwasayan at kaunlaran, para isakatuparan ang komon, komprehensibo, kooperatibo, at sustenableng seguridad.
Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan