Smart appliances na yari ng Tsina, mabiling mabili sa ibang bansa

2022-06-21 15:24:26  CMG
Share with:

Noong 2021, umabot sa 3.8 bilyon ang output ng mga home appliances ng Tsina, at halos US$ 98.72 bilyon ang kabuuang halaga ng pagluluwas nito.

 


Ayon sa analisis, ang pinakamalaking bentahe ng industriya ng home aplliances ng Tsina ay matatag na industry chain at supply chain.

 


Pinapabilis ng mga malaking kompanyang Tsino ng gamit sa bahay ang proseso ng globalisasyon, at kasabay ng pagtugon sa pangangailangan sa pamilihang lokal, ipinagkakaloob din nila ang napakalaking pagkakataon sa hanap-buhay sa lokalidad.

 


Sa kasalukuyan, sumusulong ang pagbabago ng industriya ng home appliance ng Tsina.

 


Bilang mahalagang bagong sibol na pamilihan, ang mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ay mahalagang destinasyon ng paglipat ng mga industriya ng Tsina sa hinaharap.

 

Pabrika ng Haier sa Dalian kung saan ginagawa ang mga air conditioner na iluluwas sa Pilipinas

 

Alang-alang sa katangi-tanging klima at ugali ng mga mamimili sa Pilipinas, niyari ng Haier ng Tsina ang air conditioner units na may mataas na capability-price ratio at mababang energy consumption.

 

Smart rice cooker ng Midea

 

Noong katapusan ng 2020, itinuring ng Midea ang Hapon, Amerika, Brazil, Alemanya at ASEAN bilang limang malaking estratehikong pamilihan, at hinanap ang komprehensibong breakthrough sa mga larangang gaya ng paggagalugad ng bagong produkto, digital marketing, pagpapalakas ng kakayahan sa logistic at after-sales service, laang-gugulin sa tatak at iba pa.

 

Noong nagdaang taon, iniluwas ng Tsina ang mga home appliances na nagkakahalaga ng $US 26.72 bilyon sa mga kasaping bansa ng Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP), at ito ay katumbas ng 22.9% ng kabuuang halaga ng pagluluwas ng home appliances ng buong bansa.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Mac